Conrad Jun Tolosa

Ang mga elders ang may awtoridad sa iglesya-lokal

Ang mga itinalaga ng Panginoong Jesus na mamahala at manguna sa iglesia-local ay mga elders. Bagamat hindi nakalista nang sunod-sunod ang mga responsibilidad ng mga ito, mayroong apat na tungkulin ang maliwanag na binabanggit sa Banal na Kasulatan:      

      a) Ang pagpapakain sa kawan, 

      b) ang pagkalinga sa kawan,

      c) ang pangangasiwa ng pamumuhay ng iglesya, at

      d) ang pagbibigay tanod sa kawan. 

May dalawang general categories ang mga pastor ng Panginoon: ang para sa pang-malawakang church (Ephesians 4:11-16) at ang pang-local church. Ang para sa local na iglesya, ang mga pastor o elders ay nahahati rin sa dalawang clase: 1) ang ina-appoint ng existing church authority tulad ni Paul at Barnabas, at later ni Titus, at 2) yaong mga nagnanais na maging elders and later on confirmed by a body of elders. (Acts 14:23; Titus 1:5; 1 Timothy 3:1, 4:14)

Mabigat ang mga tungkulin ng mga elders na ito, kaya dapat pakahigpitan ang paghahanda at pagpili sa kanila. Sa kanyang liham kay Timothy at Titus, itinala ni Apostol Pablo ang mga katangian at kakayahan na dapat taglay ng isang elder. Ang mga ito ay maisa-summarize natin sa limang categorya: Ang isang elder ay 1) mabuting asawa, 2) mabuting ama, 3) mahusay magturo, 4) mahusay na manager, at 5) mahusay sa pagsasalansan ng salita ng Diyos.

Ang sabi-sabi sa mga iglesya sa ating panahon ay ito: Kung susundin natin ang lahat ng kuwalipikasyon na nakasulat sa Bagong Tipan, walang lalabas na karapat-dapat maging elder. Ang resulta ng pangangatuwirang ito ay ang pagtatatag ng mga elders na kulang sa kakayahan at paghahanda.  Hindi dapat balewalain ang mga pahayag ni Apostol Pablo bilang sukatan kung sino ang pupuwedeng magiging Elder. Napakahalaga na ang mga elders na namumuno sa mga iglesya-local ay may tunay na kakayahan sapagkat sa kanilang mga kamay nakasalalay ang paglago ng buhay espirituwal ng mga mananampalataya at pagpapatupad ng Great Commission

Ang tanong ay ito: Paano malalaman ng isang congregation na ang isang lalaki ay tinatawag na pastor?

Sinasalaysay sa John 21:15-17 na matapos na sila ay kumain, tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro kung ang kanyang pagmamahal sa kanya ay higit pa kaysa sa pagmamahal ng kanyang mga kasama. Oo, Panginoon, ang sagot ni Pedro. Feed my lambs, ang tugon naman ni Cristo, na muling nagtanong. Pedro, tunay ba ang pagmamahal mo sa Akin? Agad namang sumagot muli si Pedro, Oo, Panginoon, alam mong mahal kita. Take care of my sheep, ang sabi ng Panginoon. Nagtanong muli si Jesus nang ikatlong beses, Mahal mo ba Ako? Sa pagkakataong ito ay nasaktan ang damdamin ng disipulo. Panginoon, alam mo ang lahat ng bagay, alam mo na mahal kita, ang pilit ni Pedro. Feed my sheep, ang muling habilin ni Cristo.

Kapag kinonsider natin ang conversation na ito – between the Lord and Peter – at sina-alang-alang natin ang list of qualities and abilities na binanggit kanina at ang kanyang pagkilos sa loob at labas ng iglesya, maipipinta natin ang isang lalaki na iginuhit para sa pagpa-pastor.  

Siya ay yaong tao na 1) mayroong malalim na pagmamahal kay Cristo, 2) may tiwala sa Diyos kaya handang maghirap alang-alang sa kanyang mga tupa, 3) may pagpapatuloy sa pag-aaral ng salita ng Diyos, 4) kapunapuna ang kanyang kasiglahan, kakayahan at availability sa pagtuturo sa Sunday school or sa anumang outreach setting.

Ang mga kalalakihan na pinag-kalooban ng titulong elder subalit kapos sa nararapat na mga qualities at abilities ay hindi magiging epektibo sa gawaing ito at maaaring pang makahadlang sa paglago ng congregasyon.

Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.