Conrad Jun Tolosa

Nang likhain ng Diyos ang tao, kasama sa kanyang kalikasan ang dalawang naisin: ang sumamba at maglingkod sa Diyos.

Nang likhain ng Diyos ang tao, kasama sa kanyang kalikasan ang dalawang naisin: ang sumamba at maglingkod sa Diyos.

Ang pagsamba ay pinalolooban ng pagsambit ng pagmamahal sa Diyos at papuri sa Kanyang mga kamangha-manghang katangian at gawa. Ang pagsamba ay nagmumula sa pusong nagtitiwala sa Kanyang salita. Kalooban ng Diyos ang pagsambang individually and corporately.

Ang paglilingkod sa Diyos ay ang pagsasakatuparan ng mandato na iginawad sa tao sa Genesis 1:28: Magbunga kayo at magparami; punuin ninyo ang mundo at lupigin ninyo ito. Pamahalaan ninyo ang mga isda sa karagatan at mga ibon sa kalangitan at lahat ng hayop at anumang gumagapang sa lupa.

Ang tanong ay ito:  Paano natin maisasagawa ang mandatong ito?

1)  Magbunga at magparami; punuin ang mundo.  Mahalaga na alalahanin na ibinigay ito ng Diyos sa tao bago sila mahulog sa kasalanan. Ang nasa isip ng Diyos ay mapuno ang mundo ng mga taong taglay ang malinis at malinaw Niyang larawan.  Sa ngayon, hanggang hindi lubusang naihuhugis ng Diyos ang wangis ni Cristo sa mga mananampalataya, hindi matutupad ang layuning ito.  Kaya pinag-uutos ng Panginoong Jesus sa kanyang mga disciples na humayo, ibunyag ang ebanghelyo at gumawa ng Kanyang mga disipulo sa bawat bansa. Ito ang tinatawag na Great Commission. Among other things, ang commission na ito ay may economic component, sapagkat ang mga hahayo ay mangangailangan ng financial support upang ma-meet nila ang basic needs of life — food, clothing and shelter.

Ang duty ng mga believers na magbigay ng ikapu ng kanilang gross income para sa pangangailangan ng iglesya ay ang paraan kung paano masusuportahan ang mga missionaries na isusugo ng kapatiran.

2) Lupigin ninyo ang lupa. Ang kalagayan ng mundo sa Genesis 1:2 ay walang porma, hungkag, at madilim. Ito ang kundisyon ng lupa bago pa man ito sumpain ng Diyos dahil sa kasalanan (Genesis 3:17).  Walang porma at hungkag ang lupa ng panahong iyon sapagkat ibibigay ng Panginoon Diyos ang pribelehiyo ng pagpapayaman ng lupa sa lilikhain pa niyang tao. Ang mga puno at halaman bago pa man pumasok ang kasalanan sa mundo ay lalago nang parang walang kaayusan. Hihintayin nito ang paglulupig o paghahardin na gagawin ng tao. Ang Hardin ng Eden ang magsisilbing modelo para nila tularan.

Sa ngayon, mapagmamasdan ang mga iba’t ibang vegetable farms and fruit plantation sa buong lupain sa mundo, for worldwide distribution o international trade.  

3) Pamahalaan ninyo ang mga isda, ibon, hayop at lahat ng gumagapang sa balat ng lupa. After the fall, ang laman ng isda, ibon at hayop ay naging pagkain na rin para sa tao. Ang production, distribution or trading ng mga products mula sa mga ito ay malaking negosyo.

Ang ethic ng economics na dapat laging alalahanin ay ang pagpaparami, pamamahagi, at pagconsumo ng mga food at iba pang products na totoo, mabuti at tama.

Sa paglulupig ng lupa upang ito ay gawing kapaki-pakinabang sa tao ang ethic ng economics ay huwag na huwag kalilimutan: Ang magparami, mamahagi at magconsumo ng mga tamang producto lamang na totoong makabubuti para sa kalusugan ng tao.

Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.