Conrad Jun Tolosa
Ang economiya ay agham na nagsisiyasat ng mga kalagayan at batas na tumutukoy sa paggawa, pagkonsumo, pamamahagi, at pagpapalitan ng mga productong kinakailangan at ginugusto ng tao.
Ang economiya ay agham na nagsisiyasat ng mga kalagayan at batas na tumutukoy sa paggawa, pagkonsumo, pamamahagi, at pagpapalitan ng mga productong kinakailangan at ginugusto ng tao. Ang salitang Economiya ay mula sa salitang Greco, “oikonomia” na nangangahulugang bahay (oikos) at alituntunin (nomia); ibig sabihin, ang pinaka-basic meaning ng economics ay mga alituntunin sa isang sambahayan pagdating sa production, distribution, trade, and consumption ng basic needs of life (food, clothing and shelter).
Nagsisimula ang cycle ng economics sa production, at ito ay mayroong tatlong bagay na kinakailangan: land, labor at capital.
Sa creation account, sa ikatlong araw nilikha ng Diyos ang lupa kung saan maglalaguan ang mga halaman at mga punong prutas na ang bunga ay may buto para sa kanilang pagpaparami.
Subalit bago magkaroon ng plant life ang mga lupain, kinakailangan muna ang ulan, hamog at tao na magbubungkal ng lupa. Sa ika-anim na araw, nilikha ng Diyos ang tao na inatasan Niyang lupigin ang lupa; ibig sabihin, sa lupa manggagaling ang kakainin ng mga tao at hayop na mananahan sa buong mundo. So, at this point, meron ng land and labor.
Ang kakailanganing capital o resources naman ng tao ay nakapaloob sa kanyang pagkakalikha. Siya ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos, — taglay niya ang karunungan, pakiramdam at kakayahang magpasiya.
So, ang economic design para sa isang masaganang buhay para sa tao ay ito: Pupunlain at itatanim ng tao ang buto ng mga prutas at gulay na kanilang kakainin para maparami ang mga ito. Habang dumarami ang mga tao sa mundo mapaparami naman nila ang kakailanganin nilang pagkain; at makikita natin dito ang posibilidad ng distribution and trading, depende sa dami at uri ng production ng buong lipunan.
Subalit, huwag nating kakalimutan ang pang-apat na bagay patungkol sa productivity at iyan ang pamamahinga. Sa ika-pitong araw, huminto ang Panginoong Diyos sa creation at Siya ay namahinga. Utos ng Diyos na tayo rin ay kinakailangang mamahinga sa ika-pitong araw ng linggo. Samakatuwid, sa loob ng pitong araw sa isang linggo, anim na araw ang pagtatrabaho o paglilingkod sa Diyos at isang araw ang pamamahinga o pag-aalay ng pagsamba sa Diyos.
Sa first two chapters pa lamang ng Genesis, makikita at mauunawaan ang desenyo ng Diyos para sa buhay ng tao. Una, sinabi ng Diyos na maging mabunga ang tao, magparami at punuin ang mundo. Kaya, sinabi rin Niya na iiwan ng lalaki ang kanyang magulang upang maki-isa sa kanyang asawang babae. Ang marriage ay idea ng Diyos.
Ikalawa, ginawa ng Diyos ang lupa na hungkag (void) o unformed. Kalooban Niya na ang tao ang magbibigay ng porma sa lupa. Subdue the earth, ang sabi Niya. Ang work o trabaho ay idea din ng Diyos.
Ikatlo, sa ika-pitong araw ng linggo, ang tao ay nararapat magpahinga upang makapagbigay kasiyahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba at pag-enjoy ng blessings mula sa Kanya. Ang rejoicing o pagsasapamuhay ng God’s blessings ay isang uri ng pagsamba. Ang occasional celebration, tulad ng birthday at wedding anniversary, ay nakapagbibigay kasiyahan sa Diyos at tao.
Ang marriage, work and worship ay mga institusyon na itinatag ng Diyos bago pa man mahulog ang tao sa kasalanan. Kaya nga, ang mga ayaw magpakasal at nagli-live-in na lamang, ang mga ayaw magtrabaho, at mga ayaw magbigay puri sa Diyos ay mga taong hangal at suwail.
Sa ating paglalakbay-buhay, ating tandaan ang triad ng land, labor, and capital o resources; at ang triad ng wedding, work and worship. Sa ganito clase ng pag-iisip magiging maingat tayo sa ating pangangasiwa ng ating time, talent and treasure kung saan tayo ay expected to be good stewards.
Ang tao ay kinakailangan maging mahusay na steward ng mga handog ng Diyos sa kanya.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.