Conrad Jun Tolosa
Ang kasalanan kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Banal na Diyos.
Ang kasalanan kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Banal na Diyos.
Sinasabi ng Bibliya na ang lahat ay nagkasala at ang kabayaran ng ating kasalanan ay kamatayan. Romans 3:23, 6:23
Kaya naman, alam natin na ang lahat ng tao ay daranas ng kamatayan sapagkat hindi mapagkakaila na ang lahat ay nagkakasala.
Ang tanong ay ito: Mayroon bang pag-asa ang tao na makaiwas sa kamatayan?
400 years ang lumipas nang muling magkaroon ng propeta sa bayan ng Israel matapos pumanaw ang Propetang Malachi.
Mula sa ilang, narinig ang malakas na hiyaw ni Juan Bautista: Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan, malapit nang dumating ang kaharian ng Diyos.
Dumami ng dumami ang nakikinig kay Juan. Isang araw, isang lalaki ang nagtungo sa kanyang kinaroroonan kung saan siya ay nangangaral at nagbabautismo. Ang lalaking ito ay si Jesus na taga-Nazareno.
Tinuro ni Juan si Jesus sa kanyang mga disipulo at sinabi niya ang ganito: Pagmasdan ninyo ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng tao.
Ano ang ibig-sabihin ni Juan na si Jesus ay kordero ng Diyos?
Sa kasaysayan ng bayan ng Israel, ang bayan na hinirang ng Diyos, the chosen people of God, ay nagsasalarawan nang paraan na minabuti ng Diyos kung paano magkakaroon ng daan ang makasalanang tao papunta sa Banal na Diyos, upang sila ay mapagkasundo.
Ito ang taglay ng Deuteronomy 14 na sinabi ng Diyos sa Israel, For you are a holy people to the Lord your God, and the Lord has chosen you to be a people for Himself, a special treasure above all the peoples who are on the face of the earth.
Si Jesus ay ibinilang ng Diyos sa lahi ng Israel.
Sa Hebrews 9, sinasabi na kung walang daranak na dugo ay walang kapatawaran. Hebrews 9:22
Sa Leviticus 17 naman ay matututuhan natin na ang buhay ng isang nilalang ay nasasa dugo. At dugo ang ipinag-utos ng Diyos na gamitin na panaklob sa kasalanan ng sinumang lalapit sa Kanyang harapan.
Samakatuwid, ang nilalarawan ng mga animal sacrifices na ginawa ng bayan ng Israel bilang alay sa banal na Diyos upang sila na makasalanan ay mailapit sa Diyos ay ang gagawing pagtubos sa kanila ng anak ng Diyos sa bayan ng Diyos.
Kaya pala si Jesus ay tinawag ni Juan na kordero ng Diyos sapagkat Siya ang magiging handog sa Diyos upang ang Kanyang dugo ang magsilbing panghugas sa kasalanan ng Kanyang bayan.
Ang buhay ni Cristo ay mas mahalaga pa sa buhay ng pinagsama-samang buhay ng lahat ng makasalanan tao sa buong mundo sapagkat ang Kanyang buhay ay walang bahid; walang anumang karumihan. Sa mata ng Diyos walang katumbas ang buhay ni Cristo.
Wala nang iba pang magsisilbi na katanggap-tanggap sa Diyos bilang pantubos sa makasalanang tao kundi ang buhay ni Jesus.
Ang katotohanang ito ang makakapagpapaliwanag sa mga sinabi ni Cristo nang ihambing Niya ang Kanyang Sarili sa isang mabuting Pastol.
Ang sabi Niya sa John 10 ay ito, Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Nakikinig sa Akin ang Aking mga tupa; nakikilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin. Binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa Akin ninuman.
Dahil sa kasalanan, nawalay nga ang Banal na Diyos sa naging makasalanang tao. Subalit tulad nang sinabi sa John 3:16, Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibibigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
And finally, sa John 14:6, sinabi ni Cristo na Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Niya.
Ito ay sapagkat si Cristo ay walang katulad. Walang ibang tao sa kasaysayan ng mundo na hindi nagkasala kundi Siya lamang. Kumbaga, si Cristo lamang ang may katangian na maging katanggap-tanggap na handog para sa kasalanan ng tao tulad ng nilarawan sa lumang tipan.
Dumanak ang dugo ni Cristo sa kalbaryo. Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya, ang nasisising tao ay napawawalang-sala. At siya ay nagiging katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa ang katuwiran ni Cristo ang babalot sa kanya.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.