Conrad Jun Tolosa
Ayon sa Genesis 1:26, ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
Ayon sa Genesis 1:26, ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang sabi ng Diyos, Let us make man in our image, after our likeness. And let them have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over the livestock and over all the earth and over every creeping thing that creeps on the earth.
Kaya naman pagdating sa ating pakikitungo sa ibang tao huwag nating kalilimutan na ang kahalagahan ng tao ay nasasakanyang pagkalikha. Ibig sabihin ang Diyos ang nagbigay sa tao ng kanyang halaga, ng kanyang value or worth.
Samakatuwid, ang kahalagahan ng tao ay wala sa kanyang sariling opinion o opinion ng ibang tao. Ang kanyang halaga ay wala rin sa kanyang physical appearance or abilities. At wala rin sa kanyang performance – successful man siya o failure.
In short, ang tao ay may dignidad simply because God created him in His image. Matapos likhain ng Diyos ang lalaki at ang babae, sila ay Kanyang pinagpala at tinawag na Tao.
Ang sabi sa Genesis 5 ay ito, So, God created man in His own image. In the image of God, He created Him male and female He created them. Natutuhan natin sa nakaraang bahagi ng araling ito na ang salitang ginamit sa pagpapala ay may kinalalaman sa tuhod. Kaya ang nilalarawan sa eksenang ito ay ang pagluhod nang pinagpapalang tao sa harapan ng nagpapalang Diyos.
Ang pagluhod ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay: pagsamba at pagpapasakop. Sa eksenang ito, nakapaloob ang meaning o fulfillment ng buhay ng tao.
Ibig sabihin, matatagpuan ng tao ang kaligayahan o kaganapan ng kanyang buhay sa pagsamba at pagpapasakop o paglilingkod sa kanyang Maylikha.
Ang pagsamba ay ang pagbibigkas ng ating pag-ibig sa Diyos at pagbibigay puri sa Kanyang mga katangian at mga kamangha-manghang ginawa.
Ang pagpapasakop o ang paglilingkod sa Diyos ay nakapaloob sa Original Mandate at sa Great Commission.
Ang Original Mandate ay ito: And God blessed them and said to them, Be fruitful and multiply and fill the earth and subdue it, and have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over every living things that moves on the earth.
Ang Great Commission naman ay ito, Go, therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.
Mabigat ang mandato na inihain ng Diyos sa tao subalit hindi naman siya bibigyan ng ganitong kabigat na gawain kung hindi naman siya bibigyan ng kakayahan – Abilities and Qualities upang matupad ito. With responsibilities come needed abilities and qualities.
Binigyan ng Diyos ang tao ng intellect, emotion, will, knowledge, righteousness and Holiness.
Pag-aaralan natin ang mga bagay na ito ng mas detalyado in another video entitled Man and the Effects of Sin,
Matapos nating talakayin ang mga abilities at qualities na pinagkaloob ng Diyos sa tao. Atin namang silipin ang mga character traits na maisasapamuhay niya. Ang mga ito ay ang bunga ng Espiritu ng Diyos na binanggit sa Galatians 5:22, Love, Joy, Peace, Patience, Goodness, Kindness, Gentleness, Faithfulness, Self-Control.
Ang mga character traits na nasa kanyang kalooban ay mailalabas niya o maisasapamuhay niya habang isinasakatuparan niya ang mga gawain na iniatas sa kanya ng Diyos. Nagtataka si Job kung bakit masyadong pinagkakaabalahan ng Diyos ang tao.
Ang tanong naman ni Haring David sa Diyos ay ito, Ano ang tao na lagi Mo siyang inaalala, ang anak ng tao na Iyong inaaruga.
Sa Psalms 139, ito naman ang sinasabi tungkol sa tao. Kahanga-hanga at buong ingat ang pagkalikha ng Diyos sa tao.
Bakit nga ba napaka-special ng tao sa Diyos? Taglay ng John chapter 1 ang mga napakahalagang Salita patungkol sa Cristo. Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
Ang Salita ay nagkatawang lupa at namuhay na kasama natin.
Bakit special ang tao sa mata ng Diyos? Ito ang dahilan – In the beginning, God created man in the image of God.
Four thousand years later, God will come to earth in the image of man.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.