Conrad Jun Tolosa
Ang Diyos ay transcendent o napakatayog; Siya ay lampas pa sa pinakamataas at pinakamalalim na pang-unawa ng tao.
Ang Diyos ay transcendent o napakatayog; Siya ay lampas pa sa pinakamataas at pinakamalalim na pang-unawa ng tao. Ang pagiging matayog o transcendent ay katangian na hindi nasasakop ng panahon, kalawakan at kaisipan ng tao. Bagamat ang Diyos ay nasasa kabuoan ng panahon, kalawakan at isipan, Siya ay lampas pa sa lahat ng mga ito. Ang Diyos ay walang kapantay sa karunungan at kaalaman. Tunay na napakatayog ng Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan.
May mga attributes ang Lord being referred to by theologians as non-communicable – tawagin natin ang mga ito na transcendent attributes tulad ng mga sumusunod: Aseity – God is self-sufficient. Eternality – God has no beginning and no end. Infinity – God’s attributes are limitless. Spirituality – God is a Spirit. He is not made of matter. He is not made of flesh and bones like man. Glory – God is majestic. Immutability – God never changes. Omnipotence – God is all powerful. Omniscience – God knows everything that can be known. Omnipresence – God is everywhere all at once.
Iyan ang mga transcendent attributes ng God na mayroon tayong idea subalit hindi natin gaanong mauunawaan sapagkat napakatayog ng mga attributes na ito.
Matutunghayan natin ang kuwento ng Tore ng Babel sa Genesis 11. Maraming taon ang lumipas matapos ang dilubyo. At dumami na naman ang mga tao. Ang paglaganap at paglalakbay ng tao ay patungong silangan palayo sa hardin ng Diyos.
Dumating sila sa Shinar at doon sila namirmihan. Ang sabi nila ay ganito, “Magtatag tayo ng isang siyudad na may toreng aabot sa langit upang tayo ay magka-pangalan at hindi mapadpad sa iba’t ibang dako ng mundo at magkahiwa-hiwalay.
Ito ay labag sa kalooban ng Diyos. Kaya naman, ginulo ng Diyos ang kanilang iisang wika. At dahil hindi na sila magkaintindihan, sila ay nagkanya-kanya ng landas. Hindi na natuloy ang paggawa ng toreng aabot sa langit. Natupad ang kalooban ng Diyos na punuin ng tao ang mundo.
Marami sa ating mga Pinoy ang mahilig magdunung-dunungan. Yun bagang mga know it all. Sila ay mahilig mamilosopo subalit wala namang pinagbabasihan ang kanilang salita kundi sariling haka-haka. Kadalasan, yun lamang ang kanilang ginagawa sa maghapon ang dumaldal, puro salita, kulang sa gawa.
Hindi kayang arukin ng isipan ng tao ang kabuoan ng Diyos. Kailangan niya ng tulong upang magkaroon siya ng sapat na pang-unawa tungkol sa Diyos.
Ang sabi ng DIyos sa Isaiah 55, ay ito, For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways. For as the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways and my thoughts than your thoughts.
Ibig sabihin, huwag na tayong magdunung-dunungan tungkol sa bagay na ito sapagkat hindi natin kakayanin na maunawaan ang Diyos ng lubusan.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.