Conrad Jun Tolosa
Ang Diyos ay napakalapit o immanent;Siya ay nananahan sa limitasyon ng panahon, espasyo atkaisipan ng tao.
Parami ng parami ang mga tao na tumatanggi that God exist. Ang tawag ng Bibliya sa kanila ay hangal. Kung naniniwala man, marami rin ang nagsasabi na masyadong matayog ang Diyos para maunawaan Siya ng tao. Siya ay totally other. Kaya ang Diyos ay unknowable. Still, marami rin ang naniniwala na ang Creator God matapos Niyang likhain ang universe ay wala na siyang pakialam sa takbo ng mundo.
Kumbaga, bahala na ang tao sa kanyang buhay. Subalit, ibang-iba ang pahayag ng Bibliya patungkol sa pakikitungo ng Diyos sa tao na Kanyang nilikha.
Sa Genesis, mapag-aalaman natin na ang Diyos ay nakipagfellowship kay Adan at Eba bago sila nahulog sa kasalanan.
Ito ang sinasabi sa Genesis chapter 3, matapos magkasala ang mag-asawa. They heard the sound of the Lord God walking in the garden in the cool of the day, and Adam and his wife hid themselves from the presence of the Lord God among the trees of the garden. Then the Lord God called to Adam and said to him. Where are you? So, he said, “I heard Your voice in the garden, and I was afraid because I was naked; and I hid myself.”
Ibig sabihin ang Diyos noong panahon na iyon ay nakikipagtagpo kay Adam and Eve for fellowship and they walk in the garden. Kaya isang araw lang hindi sumipot si Adan sa hardin. Siya ay hinanap ng Diyos.
Binigyan ng Diyos nang payo si Cain nang siya ay nagkamali patungkol sa paghahandog.
Binalaan ng Diyos si Noah patungkol sa gagawin Niyang paggunaw sa mundo.
Nakipagtipan ang Diyos kay Abraham na pararamihin Niya ang kanyang angkan nang kasing-rami ng mga bituin sa kalangitan.
Kinatagpo ng Diyos si Moses upang siya ay maging kasangkapan sa pagpapalaya ng bayan ng Diyos sa pagka-alipin sa mga Egyptians.
And throughout the history, mayroong ginagawang pagbisita ang Diyos sa tao. At dahil sa panalangin at sa Bibliya alam ng mga pananampalataya kung gaano kalapit ang Diyos sa kanila.
Ang Diyos ay transcendent (matayog) subalit siya ay also immanent (malapit). Siya ay nananahan sa limitasyon ng panahon, kalawakan at kaisipan ng tao. Ang matayog na Diyos na hindi kayang unawain ng tao nang lubusan ay napakalapit din.
Mayroon Siyang mga communicable attributes na makaka-relate tayo katulad ng love, joy, peace, patience, goodness, kindness, gentleness, faithfulness at self-control. Tawagin natin ang mga ito na Immanent Attributes.
Ang sabi ni Haring David ay The Lord is near to all who call upon Him, to all who call upon Him in truth. (Psalm 145:18)
At ang sabi naman ni James ay Draw near to God and He will draw near to you. (James 4:8)
Samakatuwid, Ang transcendent God ay nagiging immanent God para sa mga tumatawag sa Kanya sa katotohanan at sa mga lumalapit sa Kanya.
Sa loob ng 2000 years ang Panginoong Diyos ay nakipagtipan at nagkaroon ng interaction sa Kanyang hinirang na bayang Israel sa pamamagitan ni Abraham, Isaac, Jacob and Joseph. Pagkatapos ay sa pamamagitan ni Moses at ni Joshua. At finally, sa pamamagitan ng mga propeta at mga naging hari ng hinirang na bansa.
Ang relationship na ito ng Diyos at Israel ay nagdulot ng pagpapala o paghihirap – nakadepende ito sa pagsunod o pagsuway sa mga kautusan ng Diyos na Kanyang inihayag sa Mt. Sinai kay Moses.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.