Conrad Jun Tolosa

Malaya ang tao na tuparin ang layunin pinagkaloob sa kanya ng Diyos sa anumang kaparaanang maisip niya.

Sa simula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa. Subalit ang lupa ay hungkag, walang porma. Sapagkat ang Diyos ay may designated gardener. Ang tao.

Nilagay ng Diyos ang tao sa Hardin ng Eden upang ito ay pagyamanin at alagaan.

Take note na sa simula pa lamang ay mayroon ng trabaho ang tao. Malaya ang tao na tuparin ang layunin pinagkaloob sa kanya ng Diyos sa anumang kaparaanang maisip niya.

Subalit ang dapat maunawaan patungkol sa kalayaang ito na pinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang taglay nitong boundary.

Maraming klaseng punongkahoy ang nasa Eden. Maraming pagpipilian. Sinabi ng Diyos kay Adan na maaari siyang kumain ng prutas ng kahit anong puno sa Eden maliban lamang sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sapagkat sa araw na siya ay kumain nito, siya ay tiyak na mamamatay. My boundary.

Ang kalayaang binigay ng Diyos sa tao ay nakapaloob sa kalooban ng Diyos.

In other words, my limitasyon. Hindi pwedeng lumampas sa boundary na nakaset na. Hindi pwede ang mag-over-the-bakod. At ito ay niliwanag ng Diyos noong simula pa lamang.

Kaya kung ang tao ay susuway, wala siyang mao-offer na excuse para makalusot.

Ang tao ay nilikhang malaya, subalit hindi siya nilalang upang gumawa ng sariling batas na sasakop sa kanyang pamumuhay na walang pananagutan sa Diyos.

Hindi rin ibig sabihin nang kalayaang tinamo ng tao sa Diyos na magagawa niya ang anumang naisin niya.

Halimbawa, hindi natin kakayanin na palitan ang mga pinagkaloob sa atin ng Diyos tulad ng Physical Appearance, at hindi rin natin kayang makapamili ng magiging magulang. May kasabihan tayo, you can choose your friend but you are stuck in your relative. At hindi rin natin kaya na makapamili kung ano ang ating magiging nationality. Not unless mag immigrate tayo sa ibang bansa at maging naturalized citizen. At hindi rin natin kaya kung anong period of human history tayo ipapanganak.

Ang meron tayo ay freedom to make choices that had been made available to us. Tulad ng mga prutas sa Garden of Eden.

Matapos makalaya ang bayan ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egypt. Nakipagtipan ang Diyos sa kanila. Ang tipan na ito ang nagpapatunay na makakamtan ng mga Israelita ang kasaganaan kung sila ay mananatiling tapat sa Diyos.

Ang kabaligtaran naman ay tiyak na mangyayari din kung sila ay susuway sa Kanyang mga kautusan.

Ang mga Israelita ay may kalayaang sundin o hindi sundin ang kalooban ng Diyos. Ang kasaganaan o kapahamakan ay nakasalalay sa kanilang mga kamay.

Ganito rin ang situwasyon natin ngayon, we have the freedom to make choices. Kaya nga lang ang choices natin sa kasalukuyan ay limited by how much money we have. Ano ang ating kakainin? Saan tayo titira? Anong klaseng damit ang ating susuotin? Saan mag-aaral ang ating mga anak? And so on.

Lahat iyon ay depende kung magkano ang pera natin sa banko.

Dahil sa kamahalan ng mga bilihin sa kasalukuyan. Ang mga mahihirap nating kababayan ay hindi na halos makakain ng masasarap na putahe. Gusgusin na ang kanilang mga damit. Tagpi-tagping plywood at yero nalang ang kanilang mga tahanan.

Kaya naman masasabi na ngayon ang Kalayaan na makapamili ay nangangailangan ng maraming pera. At ang kasabihan na dito sa atin ay wala nang libre.

Subalit ang Kalayaan na sundin o hindi sundin ang kalooban ng Diyos ay hindi nangangailangan ng pera.

Minsan sinabi ng Panginoong Jesus na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Hindi natin kakayanin na maglingkod sa Diyos at sa Pera. Magiging tapat tayo sa isa at hindi tapat sa isa. Huwag nating kalimutan ang katotohanan na ang ating susundin ay ang pinaka-malakas na naisin ng ating puso.

Kaya ang tanong ay ito: Sino ang mas gugustuhin mong bigyan ng kasiyahan? Ang Diyos o ang iyong Sarili?

Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.