Conrad Jun Tolosa
Ang Diyos ay hari ng mga hari. Walang hindi nasasakop ang Kanyang kapangyarihan. At ang kapangyarihang ito ay walang katapusan. Napapanatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan lamang ang Kanyang salita.
Ang Diyos ay hari ng lahat ng mga hari. Walang hindi nasasakop ang Kanyang kapangyarihan. At ang kapangyarihang ito ay walang katapusan. Napapanatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan lamang ng Kanyang salita.
Siya ay gumagawa ng kahit anong bagay na Kanyang naisin; ginagawa Niya ito kung kailan Niya gustuhin at kung para sa anumang kadahilanan na kalugod-lugod sa Kanya.
Ang paghaharing ito ay tinatawag na soberenidad ng Diyos.
Binanggit sa lesson 1 ang mga transcendent attributes ng ating Diyos. Isa rito ang Kanyang pagiging omnipotent o all-powerful at isa pa ay ang pagiging infinite ng Kanyang mga katangian. Kaya ang ibig-sabihin ng kapangyarihan ng Diyos ay yaong walang hangganan, walang limit.
Ito ang kapangyarihan na nasa likuran ng soberenidad ng Diyos, ang Kanyang infinite power.
Ang pambungad na pahayag ng Diyos na taglay ng Bibliya ay ito; Nang simula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa. Ang dapat bigyan ng matalim na pansin sa Genesis Creation account ay ang katotohanan na ang ginawang paglikha ng Diyos sa universe ay sa pamamagitan lamang ng salita.
Nang pagbigkas ng katagang, Let there be. Sabi niya, Let there be light! And there was light! Ganito ang kapangyarihan ng Panginoong Diyos. Siya ang lumikha ng universe with all it’s complexities.
God created time, space, energy and matter at ng mga batas na namamahala at nagpapagalaw sa mga ito, sa pamamagitan lamang ng Kanyang salita at kalooban.
At mula sa lupa ay lumikha Siya ng iba’t-ibang uri ng hayop at finally, hinubog ng Diyos ang Tao ayon sa Kanyang wangis mula sa alabok.
Nakapaloob sa John 1 ang mga sumusunod, Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang salita ay Diyos. Siya ay kasama ng Diyos sa simula. Ang lahat ng bagay na nilikha ay nilkha sa pamamagitan Niya, at walang nilikha na hindi Siya kabahagi. At sa Kanya ay buhay at ang buhay ay ang liwanag ng tao.
At ang Salita ay nagkatawang lupa at nanahan sa ating kalagitnaan.
Nakapaloob naman sa Colossians 1 ang sumusunod: Si Jesu Cristo ang larawan ng hindi nakikitang Diyos at Siya ang lumikha ng lahat ng mga bagay na nasa langit at nasa lupa, nakikita at hindi nakikita, maging ang mga trono o mga pamunuan o kapangyarihan. Lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan Niya at para sa Kanya. (Colossians 1:15-16)
At Siya ay nauna pa sa lahat ng bagay. At sa Kanya nabubuo ang lahat ng bagay na nabubuo.
Sinasabi sa Hebrews 1 na kontrolado ni Cristo ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Salita.
Samakatuwid, tinuturo ng Bibliya na ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos ay nasa persona ni Jesu Cristo. At pinatotohanan ito ng Kanyang mga ginawang milagro habang siya ay nasa lupa.
Ang bulag ay nakakita. Ang lumpo ay nakalakad. Ang bagyo ay tumahimik. Ang patay ay muling nabuhay. At marami pang iba.
Naipako si Cristo sa krus, siya ay namatay, Siya ay inilibing subalit sa ikatlong araw, Siya ay bumagon mula sa mga patay. Kaya naman nang pumunta ang Kanyang mga kaibigan sa pinaglibingan sa Kanya napag-alaman nila na si Cristo nga ay bumangon mula sa pagkamatay.
Sa Matthew 10, ganito ang sinabi ni Jesus, “huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.
Ang kapangyarihan ng Diyos na taglay ng Panginoong Jesus ay walang hangganan.
Panahon na upang harapin ng mga Pillipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.