Conrad Jun Tolosa
Ang politica ay agham ng gobyerno. Ito ay tungkol sa awtoridad, pamamahala, kapangyarihan at sa pagsasakop ng mga tao na namumuhay sa mga bansa, lipunan, munisipyo at barangay.
Ang politica ay agham ng gobyerno. Ito ay tungkol sa awtoridad, pamamahala, kapangyarihan at sa pagsasakop ng mga tao na namumuhay sa mga bansa, lipunan, munisipyo at barangay.
Ang soberenidad ng Diyos ang namamahala sa buong sansinukob sa pamamagitan ng probidensya. Ang Diyos ang may walang hanggang kapangyarihan, kaalaman, at presensya. Alam Niya ang puno’t dulo ng lahat ng bagay at pangyayari. Walang mangyayari sa sansinukob na walang pahintulot ang Panginoong Diyos.
Bago umakyat si Cristo matapos ang Kanyang misyon sa lupa, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo na ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa Kanya ng Kanyang Ama (Matthew 28:18).
Mahalaga na ating tandaan na ang awtoridad na meron ang Panginoong Jesus ay ibinigay sa Kanya ng Diyos sapagkat mayroong isa pang uri ng awtoridad na dapat nating bigyan ng pansin, at ito ay yaong awtoridad na dinaan sa pang-aagaw.
Tinangkang agawin ng isang batikang anghel na tinaguriang Lucifer ang pamamamala ng kalangitan mula sa Panginoong Diyos. Hindi siya nagtagumpay. Siya at ang mga sumaping anghel sa kanya ay tinalo ng hukbo ni Michael, ang kampeon ng Diyos. Subalit sa lupa, kung saan si Lucifer at ang kanyang mga kampon ay itinapon mula sa langit, siya ay nagtagumpay na agawin ang pamamamahala ng mundo mula sa tao. Ang tao ang pinagkalooban ng Panginoong Diyos ng awtoridad na pamahalaan ang buong lupain sa mundo.
Sa kasalukuyan si Lucifer ay kilala na sa pangalang, Satanas. Napabagsak niya ang tao sa kasalanan nang tuksuin niya ito na maging katulad niya na parang diyos, na alam ang mabuti at masama. Dahil sa pagkakasala, napailalim ang tao sa kapangyarihan ng kamatayan at sa kapangyarihan ng kanyang naging makasalanang kalikasan. At dahil sa kasalanan ng tao, pati ang lupa, na dapat sana niyang pamamahalaan, ay isinumpa ng Diyos. Samakatuwid, ang simula ng kasamaan at pagdurusa sa mundo ay ang pagkakahulog ng tao sa kasalanan.
Ang tanong ng karamihang tao na hindi kumikilala sa kapangyarihan ng Diyos ay ito: Kung mayroong mapagmahal na Diyos, bakit binabayaan Niya na marami ang nagdurusa sa mundo? Bakit maraming karimlan ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Like Satan, ang mga rebeldeng tao will always refuse to recognize the authority of God over His creation by denying His existence. Ayaw aminin ng mga rebelde na ang kasalanan ng tao ang dapat nilang sisihin at hindi ang Diyos.
Subalit, bakit nga ba pinababayaan ng Diyos ang patuloy na paghahari ng karimlan at paglaganap ng pagdurusa sa mundo?
Sa aklat ni Job, matutunghayan natin ang isang pag-uusap ng Diyos at ni Satanas kung kelan noon ay minungkahi ni Satanas sa Panginoong Diyos na kung aalisin Niya ang Kanyang protection at pagpapala kay Job, tiyak na Siya ay isusumpa ni Job. Pinayagan ng Diyos na maranasan ni Job ang katakot-takot na pagdurusa mula sa kamay ng diablo. Subalit sa huli, ang sabi ni Job ay ito: Patayin man ako ng Diyos, sa Kanya pa rin ako magtitiwala
Ilang bagay ang pinatutunayan ng kasaysayang ito: Una, mayroong mga tao na tunay ang pagmamahal at pagtitiwala sa Diyos kahit sila man ay hinahayaang dumanas ng pagdurusa. Ikalawa, may kapaliwanagan ang lahat ng masamang nangyayari sa buhay at sa mundo. Ikatlo, ang diablo ay nananatiling nakapailalim sa kapangyarihan ng Panginoong Diyos.
Ang sinasabi sa Deuteronomy 29:29 ay ito: Ang mga secretong bagay ay pag-aari ng ating Panginoon Diyos, ngunit ang mga bagay na nahayag ay sa atin.
Ibig sabihin nasasa Diyos kung ang mga pangyayaring hindi natin maunawaan ng lubusan ay bibigyan Niya ng liwanag o hindi.
Subalit ang maliwanag ay ito: Ang lahat ay sakop ng awtoridad at ang pinakamataas na awtoridad ay taglay ng Panginoong Jesu Cristo, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.
Ang tanong ngayon ay ito: 1) Sino ang may awtoridad sa tahanan? 2) Sino ang may awtoridad sa church? 3) sino ang may-awtoridad sa lipunan?
Ang mga kasagutan sa mga tanong na ito ang magiging paksa ng mga susunod nating pag-aaralan.
Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan.