Conrad Jun Tolosa
Sa Matthew 5:14-16, sinabi ng Panginoong Jesus sa mga mananampalataya ang ganito: Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nasa bundok ay hindi maitatago. At hindi rin naman nagsisindi ang tao ng kandila at pagkatapos ay ilalagay ito sa ilalim ng panaklob, bagkos ay ilalagay ito sa kandelabra; at ito ay magbibigay liwanag sa lahat ng nasa loob ng bahay. Hayaan ninyong mapagmasdan ng mga tao ang inyong liwanag, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at bigyang luwalhati ang inyong Ama sa langit.
Sa Matthew 5:14-16, sinabi ng Panginoong Jesus sa mga mananampalataya ang ganito: Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nasa bundok ay hindi maitatago. At hindi rin naman nagsisindi ang tao ng kandila at pagkatapos ay ilalagay ito sa ilalim ng panaklob, bagkos ay ilalagay ito sa kandelabra; at ito ay magbibigay liwanag sa lahat ng nasa loob ng bahay. Hayaan ninyong mapagmasdan ng mga tao ang inyong liwanag, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at bigyang luwalhati ang inyong Ama sa langit.
Ang huling pangungusap sa talatang ito ay nagsasalarawan sa kaganapan ng isang transpormasyon. Pansinin natin kapag ang lahat ay matututong magbigay luwalhati sa Diyos, ano ang magdadala sa kanila sa mabuti at masaganang kalagayan? Ang mga mabubuting gawa ng mga alagad ni Cristo ang magsisilbing halimbawa na karapat-dapat tularan.
Ang sabi sa Ecclesiastes 8:6 ay mayroong tamang panahon at tamang proceso sa lahat ng bagay. Samakatuwid, mayroong tamang proceso sa pagtuklas ng plano ng Diyos para sa ating buhay. Subalit, hindi ito mangyayari kung hindi natin susundin ang pinag-utos ni Apostol Pablo sa 2 Corinthians 6:14-17:
Huwag kayong makiisa sa mga hindi mananampalataya. Anong pagkakapareho mayroon ang katuwiran at kabuktutan? Anong kaugnayan ng liwanag sa kadiliman? Anong pagkahalo mayroon si Cristo sa diyos-diyosan . . . . Tulad ng sabi ng Diyos: ‘Mananahan Ako na kasama nila at lalakad kasabay nila, at Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang magiging bayan Ko. Kaya umalis kayo sa kanila at humiwalay . . .’
Malalaman natin ang plano ng Diyos para sa ating buhay kapag nagpasiya na tayo na hihiwalay tayo sa gawi at gawain ng mundo.
Sa Kanyang panalangin bago Siya ipinako sa Krus ng Kalbaryo, sinabi ni Cristo sa Kanyang Ama ang ganito patungkol sa Kanyang mga alagad: Ibinigay Ko sa kanila ang Iyong salita at sila ay kinamuhian ng mundo, sapagkat tulad Ko sila ay hindi taga-mundo. Ang dalangin Ko ay ang huwag Mo silang alisin sa mundo kundi protektahan sila laban sa diablo. Hindi sila taga-mundo tulad Kong hindi taga-mundo. Ihiwalay Mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang Iyong salita ay katotohanan. Gaya ng pagsugo Mo sa Akin tungo sa mundo, isinusugo Ko sila sa mundo. Para sa kanila ay ihinihiwalay Ko ang Aking sarili, upang sila rin ay tunay na maihiwalay (John 17:13-19).
Nang nagsimulang dumami ang bilang ng mananampalataya dahil sa matinding pagkilos ng Banal na Espiritu, ganito ang sinabi sa Acts 2:42 patungkol sa mga Cristiano: At sila ay nagpatuloy sa pag-aaral ng apostles’ doctrine at fellowship, at sa breaking of bread, at sa prayers. Dito ipinahayag ng Diyos kung paano Niya ihinihiwalay ang mga mananampalataya.
Ayon sa Bible verse na ito, ang unang hakbang sa paghihiwalay sa sarili sa mundo ay Bible study – ang pag-aaral ng salita ng Diyos. Tungkol sa bagay na ito, dapat nating unawain na ang pag-aaral ng salita ng Diyos ay hindi lamang Sunday school o weekly bible study. Kinakailangan na ang pag-aaral ay tuloy-tuloy at systematic.
Ang ikalawang hakbang ay Christian fellowship. Ang dapat na kabarkada natin o mga friends natin ay kapwa mananampalataya rin. Hindi naman ibig sabihin ng paghihiwalay na ito ay wala na tayong contact o association sa mundo. Tayo ay dapat separated subalit hindi isolated. Ang sabi sa James 4:4 ay ang pakikipag-kaibigan sa mundo ay pakikipag-away sa Diyos. Niliwanag ni Pablo sa 1 Corinthians 5:9-11 na, totoo, hindi tayo dapat makipagkaibigan sa mundo subalit dapat tayong makihalobilo upang maibahagi natin ang mabuting balita. Hindi tayo isolated ngunit tayo ay separated. Halimbawa sa trabaho. Nakikipag-lunch o merienda tayo sa ating mga di-mananampalatayang co-employees subalit hindi tayo nakikipag-inuman sa kanila. Hindi tayo sumasama sa kanila pagdating sa worldly entertainment. Hindi tayo nakikiisa sa negosyo o sa mga rally nila.
Ang ikatlong hakbang ay ang breaking of bread. Dapat maunawaan na ito ay hindi lamang pakikipagkaibigan kundi pakikipag-kapatiran. Dito papasok ang pagmamahalan bilang mga magkakapatid sa Diyos at bilang isang iglesya local.
Ang ika-apat na hakbang ay ang lifestyle development na umiikot sa panalangin. Ito ang step one ng araling ito. Ibig sabihin iikot ang buhay ng isang alagad ni Cristo sa prayer, Bible study, Christian fellowship, worship and service.
Noong World War II, napakahalaga ng tulay para sa troop movement. Kadalasan, para makarating ang isang contingent ng mga sundalo mula point A to destination point, kailangan nilang dumaan sa isang tulay. At kung walang existing bridge, kailangan nila gumawa ng bago.
Ang punto ay ito: Hindi makararating ang ating bansa mula sa magulo at madilim na mundo tungo sa mapayapa at maliwanag na bagong lipunan kung hindi gagawa ng tulay ang mga Cristiano. At ang tulay na ito ay ang Bridge of Separated Lives. Separated, hindi isolated.
Sa pagwawakas, ito ang nais kong ipahatid sa inyo: Kung ang mga believers ay separated, matutuklasan nila ang plano ng Diyos para sa kanilang buhay at tuloy magagawa nila ang mabubuting gawa na inihanda ng Diyos noong una pa man upang kanilang lakaran sa mga panahong ito. At ito ay mapagmamasdan ng kanilang mga ka-barangay, at sila na rin ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong buhay. Sila na rin ang magbibigay luwalhati sa Diyos sa liwanag na inyong taglay.
Hindi natin masasaksihan ang transformation ng ating bansa hanggat hindi nagiging separated ang iglesya ng Panginoong Jesus. Separation not isolation, at susunod na rito ang transpormasyon.